Jose C. dela Rama

From Wiki Malolos
Jump to navigation Jump to search

Aritcle by Sammerry_F

Jose C. dela Rama (- Mayo 9, 2016)


Si Jose C. Dela Rama Sr. ay ipinanganak sa Taal, Bocaue Bulacan. Siya ay nagtapos ng sekondarya sa Bulacan High School noong 1946. Hinahangaan ang kaniyang paggampan sa kaniyang propesyon bilang abogado at hukom.

Nagpatuloy siya sa paglilingkod sa hudikatura sa loob ng ilang taon na kalaunan ay siyang naging Associate Justice ng Court of Appeals. Dagdag pa sa kaniyang naging gawaing panghukuman, inilaan din niya ang kaniyang sarili sa pagtuturo ng batas sa Far Eastern University at sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Sa kaniyang matalinong kadalubhasaan para sa edukasyon, ito ang nagbunsod sa kanya upang maging dekano (dean) ng Marcelo H. del Pilar College of Law sa Bulacan State University. Si Dela Rama ay naging MHPNHS PTA chairperson sa loob ng labing siyam na taon na aktibong sumuporta sa Marcelo H. Del Pilar National High School (MHPNHS), kung saan lahat ng kanyang limang anak na lalaki at babae ay nag-aral. Si dating Court of Appeals Justice Jose C. dela Rama Sr. Ang ponente sa kasong libel na isinampa ni dating pangulong Corazon C. Aquino laban kina Louie Beltran at Max Soliven. Dahil sa pagsulat na siya ay "nagtago sa ilalim ng kanyang kama" sa panahon ng isang pag-aalsa noong Agosto 1987. Pinanindigan ni dela Rama ang kalayaan sa pamamahayag (press freedom) at pinawalang-sala ang dalawang akusado sa apela.

Sina Jose dela Rama Sr. at ang kaniyang asawa na si Dolores Ignacio, ay nabiyayaan ng limang anak na nag ngangalang, Rebecca, Jose-Fina, Cynthia, Jose Jr., at Ruth.Ang kahanga-hangang si Jose C. de la Rama Sr. ay pumanaw sa kaniyang pagtulog noong Mayo 9, 2016. Ang kanyang pamana ay nagsisilbing inspirasyon sa lahat ng nagsisikap na itaguyod ang kahalagahan ng pagiging patas at integridad sa larangan ng batas.

References

https://apnews.com/