Leoncia Santos Reyes (Women of Malolos)
Si Leoncia Santos Reyes ay isinilang noong Enero 12, 1864 sa Pariancillo, Malolos, kina Espiridion Tengco Reyes at Alberta Leuterio Santos. Isa siyang kilalang personalidad sa Malolos, na nagsilbi ng mahalagang papel sa mga pangyayari sa pulitika at lumagda sa liham na humihiling ng pagtatatag ng isang night school, na nagpapakita ng kaniyang maagang pakikilahok sa aktibismo. Si Leoncia ay ikinasal sa kaniyang pinsang lalaki na si Graciano T. Reyes, isang maestro de instruccion primaria at kilalang personalidad sa pakikibaka laban sa mga prayle ng Espanyol. Magkasama nilang itinaguyod ang kanilang malaking pamilya habang aktibong nakikilahok sa komunidad. Kilala sa kaniyang matinding debosyon, si Leoncia ay isang masugid na Katoliko na sumasamba sa misa araw-araw at taon-taon niyang tinutupad ang relihiyosong panata sa pamamagitan ng paglalakbay sa Antipolo. Si Leoncia ay maituturing sagisag ng awtoridad at katatagan, na namuhay ng itinataguyod ang kanyang pamilya, komunidad, at pananampalataya. Pumanaw siya sa edad na walo pu't apat noong Setyembre 14, 1948.
Biography from the Woman of Malolos by Nicanor G. Tiongson
References
Tiongson, N. G. (2004). Leoncia Santos Reyes. In The Women of Malolos (pp. 261-267). Ateneo de Manila University Press.