Lilibeth F. Cortez
Si Lilibeth F. Cortez ay kasalukuyan isang Master teacher II sa Bangkal Elementary School. Siya ay nagtapos ng sekondarya sa Marcelo H. del Pilar National High School noong taong 1989 at pinagpatuloy ang pag-aaral sa Bulacan College of Arts na ngayon ay mas kilala sa tawag na “Bulacan State University.” Si Cortes ay nagtapos ng kolehiyo noong taong 1994 at nagsimula agad magturo sa isang preschool nang dalawang taon.
Matapos, magturo sa isang preschool, ang kaniyang tinahak na landas naman ay ang pagtuturo sa publikong paaralan. Mula taong-1996 si Cortes ay nanatiling magsilbi sa bayan bilang isang gurong masipag at malambot ang puso sa mga estudyanteng kaniyang nakikilala. Matapos ang maraming taon na pagsasakripisyo at pagod, siya ay naging Master Teacher II– isang katunayan kung gaano kagaling at masipag si Gng. Lilibeth.