Macario G. Pineda
Article by Eliz_F
Macario G. Pineda (Abril 1912 - Agosto 2, 1950)
Si Macario de Guzman Pineda ay ipinanganak sa Malolos, Bulacan, sa mag-asawang sina Nicanor Pineda at Felisa de Guzman na kilalang mambabalagtas, noong Abril sa taong 1912. Nakapagtapos siya ng sekondarya sa Bulacan High School noong 1931, kung saan siya yumabong sa pagsusulat at pagb-basketball.
Bago siya maging isang manunulat ay nagtrabaho siya bilang isang telephone linemine ngunit hindi siya nagtagal at namsukan bilang isang kawani sa munisipyo ng Bulacan. Isa siyang batikang manunulat sa tagalog, nobelista at columnista sa Liwayway at Daigdig magazines. Ang kanyang karera sa pagsusulat ay nagsimula noong 1930s sa kanyang akda sa Ingles na “Five Minutes” na inimprenta sa Graphic Magazine. Ang kanyang kwentong Tagalog na “Walang Maliw ang mga Bituin” ay naitanghal sa Mabuhay at ginawaran bilang isa sa pinakamahusay na kwento noong 1937. At ang kanyang storya na "Suyuan sa Tubigan," ay nanalo ng pangalawang gantimpala sa isang patimpalak sa panitikan ng Liwayway. Ang kanyang mga akda rin ay napasama rin sa 25 Pinakamabuting Maikling Kathang Pilipino noong 1943 at sa Maikling Kuwentong Tagalog, noong 1886 hanggang 1948 na pinagsama-sama ng historyador na si Teodoro A. Agoncillo. Kasama sa mga pangunahing akda ni Pineda ay ang mga nobelang Halina sa Ating Bukas (1946), Ginto sa Makiling (1947), Mutyang Tagalog (1947-1948), Langit ng Isang Pag-Ibig (1948), at Isang Milyong Piso (1955). Natampok din ang kanyang mga gawa katulad ng Malaya, Ilang-Ilang, at Bulaklak sa iba't ibang magazines at publikasyons.
Pagtungtong sa edad na 20 years old, si Pineda ay ikinasal sa kamag-anak ng kanyang madrasta na si Avelina Reyes at tumira sila San Juan, Bigaa (na ngayon ay Balagtas ang pangalan), Bulacan, kung saan silang mag asawa ay nagkaroon ng pitong anak, ngunit nung sumiklab ang pangalawang digmaang pandaigdig, sumali si Pineda sa isang lokal na grupong girelya ng manunulat laban sa mga hapon kung saan kasama niya ang iba pang pilipinong manunulat na sina Clodualdo del Mundo, Brigido Batungbakal, Mabini Rey Centeno, at A.C. Fabian. Dahil sa kanilang kahirapang dinanas nagresulta ito sa kanyang paghina ng katawan at pagkakaroon tuberkolosis. Dahil sa lumulubhang sakit, maagang namatay si Pineda sa edad na 38 noong Agosto 2, 1950, pero ang kanyang mga akda ay patuloy paring nabubuhay at nagbibigay kalaaman sa madla na siyang naging rason kung bakit si Agoncillo ay nagtayo ng pabrika tungkol sa kwento ng kayang buhay.
References
- https://philippineculturaleducation.com.ph/pineda-macario/
- https://bsit1a-proyektongpilipino.blogspot.com/p/ipinanganak-si-pineda-sa-malolos.html
- https://www.archipelagofiles.com/2021/10/filipino-author-macario-pineda.html
- https://www.dreame.com/story/1174413312-love-in-the-rice-fields/1693925376-a-brief-biography-of-macario-pineda.html
- https://www.coursehero.com/file/97125175/Macario-Pinedadocx/
External Links
- https://www.everand.com/book/364568291/Love-in-the-Rice-Fields-And-Other-Short-Stories
- www.jstor.org. https://doi.org/10.2307/42632115
- https://www.studocu.com/ph/document/southern-luzon-state-university/science-in-industrial-technology/panunuring-pampanitikan/34355062
- https://tuklas.up.edu.ph/Author/Home?author=Pineda%2C+Macario+G
- https://www.elib.gov.ph/results.php?f=author&q=Pineda%2C+Macario