Mercedes Reyes Tiongson (Women of Malolos)
Si Mercedes Reyes Tiongson ay ipinanganak noong 1870 kina Antonio M. Tiongson at Juliana de los Reyes. Matapos mamatay ng kaniyang ama at iba niyang kapatid, siya na ang namahala sa kanilang lupain sa Lugam at Bulihan. Hindi kinalaunan, sumiklab ang himagsikan laban sa España. Sinuportahan nina Mercedes ang kilusang Katipunan na lumalaban sa digmaan. Matapos maipahayag ang kasarinlan ng Pilipinas noong 1898, inilipat ang pamahalaan sa Malolos, at patuloy siyang tumulong at sumuporta sa mga opisyal at sundalo sa Bagong Republika. Si Mercedes ay sumali bilang isa sa mga unang 160 miyembro kasama ang iba pang kababaihan sa Malolos. Si Mercedes ay nahalal bilang 1 sa 8 miyembro ng Pambansang Lupon ng Direktor ng Cruz Roja. Sa panahong ito ay nagpasya sina Teodoro Sandico at Mercedes na mamuhay na nang payapa at ikinasal ang dalawa noong Pebrero 3, 1903. Si Mercedes ay binawian ng buhay sa kanilang tahanan noong 1928 dahil sa atake ng hika na nagkaroon ng komplikasyon at naging atake sa puso.
Biography from the Woman of Malolos by Nicanor G. Tiongson
References
Tiongson, N. G. (2004). Mercedes Reyes Tiongson. In The Women of Malolos (pp. 356-363). Ateneo de Manila University Press.