Museo ng Republika ng 1899
Article by Heart
Ang Museo ng Republika ng 1899 ay ang museo ng Unang Republika ng Pilipinas,isang pamahalaang pambansa na itinatag sa Malolos, Bulacan. Ang Museo ng Rebulika ng 1899 ay matatagpuan sa kumbento ng Simbahan ng Barasoain. Una itinayo ang kumbento gamit ang nipa at kawayan noong 1858. Ang istrukturang nasabi ay may desenyong moderno na naglalaman ng maraming infographic na makikita sa pader na madadaanan. Ang gusali na nakikita sa kasalukuyan ay itinayo sa ilalim ng kamay ni Padre Juan Giron taong 1885 at idinesenyo ng arkitektular ng espanyol. [1]
Ang istruktura ay nagpapakita ng mga artepaktos o makasaysayang kagamitan, dokumento, at iba’t ibang bagay mula sa panahon noong taong 1899 ng Unang Republika ng Pilipinas. Ito ay kilala bilang republika na isang pamahalaan na naitatag sa Malolos, Bulacan. Noong 1899, ang pagkakatatag nito ay ay nagwakas sa rebolusyong laban ng Pilipino sa Espanya at nagbigay ng kahalagahan sa Pilipinas bilang unang republika sa Asya. Dinadayo ito ng mga lokal at nagnanais malaman ng kasaysayan ng Republika ng Pilipinas. Itinatanghal ng museo ang mga kaganapan ng rebolusyon laban sa mga Espanyol, ang Unang Repulika ng Pilipinas, at ang mga digmaan ng Pilipinas laban sa Estados Unidos sa pamamagitan ng mga makagbagong eksibit at artipaktos sa galeriya. Makikita dito ang mga makasaysayang artipakto sa kasaysayan ng yugto ng Republika ng Pilipinas taong 1899. Kabilang dito ang mga dokumento, larawan at ang original na ginamit ng dating pangulo na si Emilio Aguinaldo noong pagbubukas ng kongreso ng Malolos.[2] [3]
Ang Museo ng Repbulika ng 1899 ay isang museo para ipagdiwang at alalahanin ang mga mahahalagang pangyayari pati na rin ang mga kaugnay na tao na kasapi sa Republika ng Plilipinas noong 1899. Ito rin nagsisilbing paalala ng Pilipinas para sa kalayaan ng bansa at nagbibigay pugay sa mga bayani at ang makabayang pakikipaglaban para sa kalayaan ng bansa.
Ang museo na ito ay isa sa mga lugar kung saan may matututunan ang mga bisita tungkol sa mayaman na kasaysayan, pagpapahalaga sa kultura paghuhulma sa pagkakakilanlan, pagmamahal sa bayan, pamana ng Pilipinas, at mas malalim na pagpapahalaga o pagsasakripisyo ng ginampanan sa panahon ng pakikibaka para sa kalayaan.