Palayan Festival

From Wiki Malolos
Jump to navigation Jump to search

Article by Ashley-Ann_B

St. isidore Labrador A Farmer.jpg

San Isidro Labrador, ang pagdiriwang na ito ay binubuo ng mga mananayaw na nag rerepresinta ng historya ng Palayan Festival kaya’t ating kilalanin ang parokya ni San Isidro Labrador. Ang kapistahan naman ng Parokya ay tuwing ika-15 ng Mayo. Dito rin isinasagawa ang kilalang “Palayan Festival” kung saan binibigyang parangal ang pagiging magsasaka ni San Isidro Labrador.

History

Ito ay nagmula sa Bulihan, Malolos, Bulacan, mula sa pawis at kawayan, unti-unting umunlad ang buhay pananampalataya ng mga Bulihanon sa mapaghimalang Santo. Ang bisita ay itinirik sa lupang donasyon ni G. Julian de Robles at kalaunan ay naging bato. Noon, ito ay nasa ilalim ng pagpapastol ng Parokya ng Nuestra Señora del Carmen ng Barasoain. Ang bisita ay naging lunan ng mga gawaing may kaugnay sa pananampalataya tulad ng banal na misa, mga prusiyon at pabasa sa Mahal na Araw. Minsan ding nagsilbi ang Santa Bisita bilang Paaralan.

San Isidro The Patron Saint of Farmers.jpg

Ang kapistahan ng Parokya ay tuwing ika-15 ng Mayo. Dito rin isinasagawa ang kilalang “Palayan Festival” kung saan binibigyang parangal ang pagiging magsasaka ni San Isidro Labrador sa pamamagitan ng ilang mga kilalang gawain tulad ng Indakan sa Kalye at Reyna ng Palayan Festival. Ilan sa mga sumunod na naging Kura Paroko ay sina Rdo. Padre Jose Jay G. Santos at Rdo. Padre Conrado R. Santos Jr. Sa kasalukuyan, ang Kura Paroko ng parokya ay si Rdo. Padre Manuel N. Anastacio.

Sa paglipas ng panahon kung saan kinaharap ng mga mamamayan ang lalong pag-unlad at pag-usbong ng makabagong sibilisasyon, taong 1998 ay naitatag ang Parokya ng Espiritu Santo sa Alido Heights, Bulihan at ang Bisita ni San Isidro Labrador ay nailipat sa pagkandili nito. Nagpatuloy ang masaganang buhay pananampalataya ng mga taga-Bulihan hanggang sa dumating ang panahon nang imungkahi ng dating Kura Paroko, Rdo. Padre Jose Miguel D.S. Paez na ang Bisita ni San Isidro ay maging isang ganap na parokya. Kaya naman, noong taong 2003, ang dating bisita ay naging isang Mala-Parokya (Quasi-Parish) at itinalaga si Rdo. Padre Jose Cezan “Dennis” S. Pascual bilang Priest-in-Charge.

Dito ay nabuo ang Parish Pastoral Council, ilang mga samahan at pagkakaroon ng mga regular na Banal na Misa at mga sakramento. Matapos ang tatlong taon, noong ika-2 ng Disyembre 2006, itinaas na ang antas ng San Isidro Labrador Quasi-Parish sa pagiging Parokya, at itinalaga si Rev. Fr. Dennis Pascual bilang kauna-unahang Kura Paroko ng Bulihan. Nasasakop naman ng Parokya ang Barangay ng Longos, mga Sitio ng Bliss at Malanggam, at mga subdivision ng Dreamcrest at Mac Arthur Village.


References


 Figure 1. https://images.app.goo.gl/VkaMVLSanN6e8W549 
 Figure 2. https://images.app.goo.gl/VY5RSxtNk78sA6o39