Paz Reyes Tiongson (Women of Malolos)
Si Paz Reyes Tiongson ay isinilang noong 1862, kina Antonio M. Tiongson at Juliana Reyes. Ang kanilang tirahan ay ang malaking lumang bahay-na-bato sa kanto ng Pariancillo Street, na ngayo’y M. Crisostomo Street o Kamestisuhan. Kasama ang pamilya ni Paz sa kilusang reporma sa Malolos, at sila'y sumusuporta kay Marcelo H. Del Pilar. Nang ipahayag ni Gobernador-Heneral Weyler ang kanyang pagbisita sa Malolos, ginamit ni Teodoro Sandiko ang pagkakataon para isulat ang liham na naglalayong opisyal na kilalanin ang paaralan na nagtuturo ng Wikang Español para sa mga kababaihan. Sumuporta si Paz at ang kanyang mga kapatid sa kanilang ama at pumirma sila sa liham na ito. Hindi sumang-ayon si Padre Felipe Garcia, kura ng Malolos, sa panukala. Sa kabila nito, naaprubahan pa rin ang paaralan sa tulong ng mga Kababaihan ng Malolos na naglakbay patungong Maynila. Sa di-inaasahang pangyayari, namatay si Paz dahil sa sakit sa puso noong 1889. Hindi na niya naabutan ang pag-aaral sa paaralang kanyang ipinaglaban dahil sa kanyang maagang pagpanaw.
Biography from the Woman of Malolos by Nicanor G. Tiongson
References
Tiongson, N. G. (2004). Paz Reyes Tiongson. In The Women of Malolos (pp. 351-353). Ateneo de Manila University Press.