Pook sinilangan ni Guillermo E. Tolentino

From Wiki Malolos
Jump to navigation Jump to search
Sabitan St, Sto. Rosario, Malolos, Bulacan

Article by Belinda

Tunay ngang napakaraming istrukturang maipagmamalaki ang ating lungsod. Isa na rito ang pook na sinilangan ni Guillermo Estrella Tolentino na matatagpuan sa Sabitan St, Sto. Rosario, Malolos, Bulacan


Ika-24 ng Hulyo noong taong 1890, ipinanganak si Guillermo E. Tolentino sa Malolos, Bulacan. Si Guillermo E. Tolentino ay kilala bilang isang iskultor sa estilong klasiko at siyang nanguna sa paglililok ng mga monumental na eskultura sa Pilipinas. Isa sa kanyang mga nilikha na kilalang kilala sa panahong ito, ay ang obra maestra niyang “Bonifacio Monument” na nakatayo sa lungsod ng Kalookan, na kanyang nililok taong 1933. Siya rin ang nag lilok ng “U.P. Oblation Statue” noong taong 1935, sa unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, lungsod ng Quezon City.


Si Guillermo E. Tolentino ang nagtaguyod ng estilong klasiko sa harap ng kabi-kabilang paglaganap ng modernong istilo simula noong 1982. Ang kanyang mga obra maestra ay itinuring na pinakamahusay sa kanyang panahon, at taong 1973, ay hinirang si Guillermo E. Tolentino bilang pambansang alagad ng sining sa larangan ng sining biswal o eskultura. Noong Hulyo 12, 1976 naman ay yumao ang eskultor sa lungsod ng Maynila.


Ang istruktura o pook na sinilangan ng iskultor na si Guillermo Estrella Tolentino ay isa sa mga historical place sa lungsod ng Malolos. Sa labas ng pook na ito matatagpuan ang isang commemorative plaque na naglalaman ng pagkakakilanlan ng iskultor. Kahit gaano na katagal ang istrukturang ito, ay hindi maipagkakaila na ito ay nananatiling maganda at maayos. Sa kasalukuyan, ito ay pansamantalang nakasarado.


References:

https://zaubee.com/biz/pook-sinilangan-ni-guillermo-e-tolentino-fp37with

https://nhcphistoricsites.blogspot.com/2020/11/guillermo-e-tolentino-1890-1976.html?m=1&fbclid=IwAR37nrrF8ao8E8hft9ss4JZ9L8jxQD5p9YU8eCK-jxWKQGVWNmobFBH6Jls

https://nhcphistoricsites.blogspot.com/2020/11/guillermo-e-tolentino-1890-1976.html?m=1&fbclid=IwAR37nrrF8ao8E8hft9ss4JZ9L8jxQD5p9YU8eCK-jxWKQGVWNmobFBH6Jls