Roma Niño Borlongan

From Wiki Malolos
Jump to navigation Jump to search

Si Roma Niño Borlongan ay kasalukuyang isang barangay kagawad sa Atlag, isang lungsod sa Malolos. Siya ay nag-aral sa Marcelo H. del Pilar National High School noong sekondarya kung saan siya ay naging aktibo sa isang school club na may ngalang Pure Facilitator’s Club. Siya naman ay nakapagtapos sa paaralang ito noong taong-2013. Pagkatapos, siya ay tumigil muna sa pag-aaral para magtrabaho sa isang international school sa Clark, Pampanga bilang isang English as a Second Language teacher ng mga koryano.

Matapos ang limang taon, napagpasiyahan niyang bumalik sa Bulacan State University para ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. Sa buong pag-aaral niya sa kolehiyo, naging aktibo si Borlongan bilang isang student leader. Siya ay tumakbong Vice Governor ng College of Business Administration sa Local Student Council, at napag-bigyan pa ng pagkakataon at muling lumahok sa eleksyon sa pangalawang pagkakataon bilang gobernador ng College of Business Administration para sa Local Student Council. Bagaman may pandemya, hindi nagpatinag ang kaniyang puso na maglingkod sa mga kapwa-estudyante nang siya ay muling tumakbo bilang senador sa unibersidad.

Matapos makapagtapos ng kolehiyo noong 2022 sa kursong Bachelor of Science in Business Administration Major in Business Economics, siya pa rin ay nanatiling nagsisilbi bilang Sangguniang Kabataan Official sa Barangay Atlag. Sa parehong taon, naging Bise Presidente siya ng City of Scholars Association ng buong Lungsod ng Malolos. Pagkatapos, agad siyang nagtrabaho sa City Government of Malolos sa City Hall sa ilalim ng opisina ng Vice Mayor bilang Legislative Staff ni Vice Mayor Migs Alberto Bautista. Noong 2023, tumakbo siya bilang Barangay Kagawad ng Atlag kung saan siya ay pinalad na patuloy na makapagsilbi sa kaniyang bayan at ang Chairman ng Committee on Education & Culture.

Kon. Roma Niño Borlongan, ang pinakabatang konsehal sa barangay ng Atlag; Chairman ng Committee on Education & Culture