Samahang Senakulista ng Malanggam
Article by Yeshua
Ang Pilipinas ay tinaguriang bilang isang relihiyosong bansa. Bahagi na ng kultura ng ating bayan ang ating pananampalataya sa ating Panginoon. Isa sa mga mga nakasanayan ng mga Pilipino ay ang gunita ng mahal na araw o semana santa tuwing sasapit ang tag-init. Ipinapakita rito ang mga pinagdaanan ni Hesus mula sa kanyang kapanganakan, pagkamatay at muling pagkabuhay. Ginugunita ang mga mahal na araw upang ating sariwain ang ginawang sakripisyo at pagliligtas sa atin ni Hesus. Wala mang tiyak na sinabi ang bibliya tungkol sa nararapat ba nating gunitain ang mga araw na ito, ipinakita naman sa roma 14:5 na pinapaalalahanan tayo nitong alalahanin natin ang kamatayn ni Hesus sa pamamagitan ng huling hapunan (Lucas 22:19-20).
Senakulo
Isa sa mga nakasanayan nating mga pilipino at naging bahagi na ng ating kultura ay ang pagdaraos ng senakulo. Ang senakulo ay isa sa mga nakagawian ng mga pilipino na pagsasadula sa buhay, pagkamatay, at muling pagkabuhay ng ating Panginoon.
Senakulista sa Malanggam Malolos, Bulacan
Ang mga senakulista mula sa lalawigan ng Malolos Bulacan ay nagtatag ng organisasyon kung saan ito ay naging bahagi na ng kanilang panata na tuwing mahal na araw ay nag dadaos sila ng senakulo upang isabuhay ang mga pangyayari noong dumaan si Hesus sa kanyang kalbaryo.
Ang samahan ng mga senakulista ng malanggam isang samahan ng mga senakulista na nagtatanghal sa entablado tuwing mahal na araw bilang bahagi ng kanilang panata. Ang samahang ito ay itinatag noong taong 1965. Kasama ang iba pang mga kasapi ng samahang ito, taon-taon ay nag daraos sila ng pagtatanghal sa buhay ni Kristo. Noong nakaraang mahal na araw taong kasalukuyan, nagkaroon sila ng pagtatanghal sa harap ng Convention Center sa Malolos, bulacan. Sa pamamagitan nito, ipinamalas ang galing sa pag-arte ng iba’t ibang kasapi ng samahan at upang maipakita ang dinanas ni Hesus upang maligtas ang sanlibutan.
Ang samahang ito ay pinamumunuan nina;
Pangulo - Jahred Velasco
Pangalawang Pangulo - Mhar De Regla
Kalihim - Mia Velasco
Katulong sa Kalihim - Siena Manabat
Ingat-yaman - Madel Delos Reyes
PRO - Jojo Santos, Francisco Santos, Roneal Cruz
BOD - Sally Velasco, Mhar Velasco, Oya, Wilfredo Velasco
Kasalukuyang presidente at direktor;
Presidente : Jahred Velasco
Direktor : Wilfredo Velasco
Mga naging presidente ng samahan;
Romy Delos Santos
Juanito Velasco
Rene Surio
Bernie Alba
Wilfredo Velasco
Victorino Santos
Wilfredo Velasco
Jahred Velasco
Tunay ngang ang pilipinas ay mayaman sa kultura at tradisyon. Kay ganda lang isipin na kahit sa paglipas ng panahon, kahit na matagal na itong naipasa sa atin ng ating mga ninuno, hindi pa rin ito nawala sa atin at patuloy pa rin itong nagsasalin salin sa bawat henerasyon. Tunay nang hindi pa rin nawawala ang pananampalataya ng mga pilipino sa kabila ng mga balakid at problema at patuloy itong naipapamalas sa pamamagitan ng pagsasadula sa mga pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus gaya ng senakulo.
References
Velasco, J. (november 10,2023). Personal Communication [personal interview]
https://www.gotquestions.org/Tagalog/Mahal-na-Araw.html
https://ssee15.wordpress.com/best-works-of-each-subject/filipino/mahal-na-araw/
https://www.biblelyfe.com/blog/bible-verses-about-communion#:~:text=Luke%2022%3A19%2D20,is%20poured%20out%20for%20you. Semakulo (november 11,2023)
https://tl.wikipedia.org/wiki/Senakulo
External Links
https://www.nationalmuseum.gov.ph/2022/04/15/senakulo/
https://www.catholicsandcultures.org/philippines-holy-week-street-plays-reenact-jesus-life-passion
https://expertworldtravel.com/philippines/senakulo/
https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/14946/
https://www.cainta.gov.ph/culture
https://prezi.com/ws-q864bf5bv/senakulo/
http://www.cnnphilippines.com/news/2023/4/7/Good-Friday-traditions-in-provinces.html