Teresa Tiongson Tantoco (Women of Malolos)

From Wiki Malolos
Jump to navigation Jump to search

Renius D

Si Teresa Tantoco ay ipinanganak noong Oktubre 16, 1867, kina Hermogenes T. Tantoco at Ana M. Tiongson. Siya ang panganay sa tatlong magkapatid na si Maria, Vicenta, at Teodora. Kamag-anak din niya ang halos lahat ng mga Kababaihan ng Malolos. Si Teresa ay naturuan magbasa, magbilang, pati na rin ng mga turo ng simbahan. Siya ang naging katuwang ng kanyang kapatid na si Maria sa pagpapatakbo ng kanilang tahanan. Nagpakasal si Maria kay Lino Reyes noong 1892 at kasama nila si Teresa sa bahay. Dumating ang isang problema sa kanila noong 1896: nabuntis si Teresa kahit wala siyang nobyo. Nagpasya siyang umalis sa kanilang tahanan, at nanganak siya noong Hulyo 12, 1897. Pinangalanan niyang Anita ang kanyang anak, at pinalaki niya ito nang mag-isa. Kahit may inaalagaan na supling ay marami pa rin siyang ginawa, katulad ng pagiging pinuno ng Red Cross sa Malolos at pakikisapi sa Asociacion Feminista de Filipinas (AFF). Makalipas ang ilang taon ay pinakasalan niya si Julian Reyes noong Pebrero 17, 1912. Sa huling mga taon ng kanyang buhay ay nanatili siya kasama ng kanyang mga anak at apo. Si Teresa ay namatay noong Hulyo 17, 1942 sa loob ng tren habang papunta sa kanyang mga kamag-anak sa Malolos; nakatulog siya at hindi na muling nagising.


Biography from the Woman of Malolos by Nicanor G. Tiongson

References

Tiongson, N. G. (2004). Teresa Tiongson Tantoco . In The Women of Malolos (pp. 327-334). Ateneo de Manila University Press.