User:Dacabigao
Filipino Crab Relleno (Relyenong Alimasag) ng Pamarawan Ang relyenong alimasag ay isa sa mga pinakamasarap at pinakakilalang putahe sa lutuing Pilipino. Kilala ito sa kakaibang paraan ng paghahanda kung saan ang laman ng alimasag ay hinimay, hinaluan ng pampalasa, at ibinalik sa sariling shell bago iprito. Ang ulam na ito ay hindi lamang nagpapakita ng pagkamalikhain sa pagluluto, kundi pati na rin ng pagpapahalaga sa bawat bahagi ng sangkap.recipesbynora Sa lungsod ng Malolos, Bulacan, kilala ang mga handaan at pista bilang okasyon ng pagpapakita ng yaman ng lutuing Pilipino. Ang relyenong alimasag ay madalas ihain sa mga espesyal na pagtitipon, lalo na sa mga pamilyang may tradisyon ng pagdiriwang ng pista at kasalan. Ito ay sumasalamin sa pagkamalikhain ng mga Maloleño sa paggamit ng lokal na sangkap mula sa mga pamilihan at baybayin ng Bulacan. Mga Sangkap • 4–6 piraso ng alimasag (nilaga at hinimay ang laman) • 1 tasa ng laman ng alimasag • 1/2 tasa ng hiniwang sibuyas • 1/2 tasa ng hiniwang bawang • 2 Bell pepper • 1 carot • 2 Patatas • 1 kutsara ng toyo • 1 kutsarita ng asin • 1/4 kutsarita ng paminta • 1 kutsara ng cornstarch (pangdikit) • 6 piraso ng itlog (panghalo at pampatibay) • Mantika para sa pagprito
Proseso ng Pagluluto
1. Linisin at pakuluan ang alimasag hanggang maluto, pagkatapos ay tanggalin ang laman at itabi ang mga shell. 2. Batihin ang itlog sa isang mangkok. Idagdag ang hinimay na laman ng alimasag, toyo, asin, paminta, at cornstarch. 3. Igisa ang sibuyas at kamatis sa kaunting mantika hanggang lumambot. 4. Haluin ang ginisang gulay sa pinagbatihang itlog at laman ng alimasag. 5. Ibalik ang halo sa shell ng alimasag (stuffing). 6. Iprito ang stuffed crab sa mainit na mantika hanggang mag-golden brown ang ibabaw. 7. Ihain na may sawsawang toyo at kalamansi. Sangkap at paraan ng pagluluto batay sa panayam kay Alfredo Jimenez Sr. - mamamayan sa Pamarawan, City of Malolos, Bulacan.